Namatay daw sila dahil lamang sa paglilingkod sa iba (mga Pilipino?); ito ang pahayag ng US Embassy sa Pilipinas sa pagkamatay ng dalawang sundalong Kano sa Jolo. Nasampelan na nga ang mga Kano ng IED na gawa ng mga teroristang gumagala sa Sulo. Gayon pa man ay bukas ang gobyernong Amerika sa ano mang kasundoan upang ipagpatuloy pa ng Visiting Forces Agreement. Pero ang katanungan, ngayon na nalagasan ng katropa ang mga sundalong Kano ano ang kanilang binabalak ngayon? Siempre hindi nila basta-bastang palampasin iyan. Gaganti at gaganti rin sila sa ano mang kaparaanan. Kaya maaga pa para magsaya ang mga bandido at terorista sa Sulo. Abangan nila ang paglipad ng kanilang mga Predators at pagulan ng mga bomba sa kanilang mga kuta.
Ngunit hindi ba bawal na gumawa ng ano mang hakbang na pakikigiera ang mga Kano sa Pilipinas? Ang tanging nagagawa lang nila ay ang magbigay payo at paniniktik sa galaw ng mga kalaban. Pero noon iyon. Iba na ngayon. Ito ang persepsiyon ng mga iba sa naganap na pagpatay sa mga Non-combatant troops sa pamamagitan ng pagtatanim ng bomba sa daraanan ng kanilang mga behikulo. Ano ba naman kayong mga rebelde, mga gumagawa lang iyan ng mga kalsada at school buildings! Kung talagang gusto ninyo ang laban e di makipagbarilan kayo ng harap-harapan at di pa-traydor!
Of course lalong magiingat na ngayon ang mga tropang Kano. Siguro hindi na nila ipagkakatiwala pa sa mga katropa nilang Pinoy ang kanilang kaligtasan. Sila na ang magbabantay ng kanilang mga sarili. Malalaki na sila at alam na nila ang kanilang ginagawa. Pagaganahin na nila ang kanilang mga high-tech na kagamitang pangiyera. Kaya kayong mga rebelde at bandidong Abu Sayyaf ay humanda kayo. Galit na si Uncle sam!
Kung saka-sakaling gustong gumanti ang mga Kano at malilipol ang mga teroristang Abu Sayyaf at mga lost command na rebeldeng gumagala sa Sulo, aba malaking tulong ito para isulong ang kandidatora ni Defense Secretary Gibo Teodoro sa pagka-presidente. Biro mo ipinangako niyang pupulbosin niya ang mga rebelde at bandidong Abu sayyaf
e di malaking karangalan para sa kanya kapag nagkatotoo ito? So action na mga tropang Kano. Paliparin na ninyo ang inyong mga lumilipad na bombang may telebisyon at computer pa. Bawat pagsabog ay may rebelding napapatay. Ala e, di ba mainam iyan nang magkaroon na ng kapayapaan sa Mindanao, Sulo, at Basilan?
Kaso hindi ganon kadali e. Kay liit ng Sulo, ilang libo nang mga tropa ang nandiyan nalulusotan pa sila? May mga hi-tech nang kagamitan, napaglalalangan pa rin sila at napapatay ng kalaban? Sabi nga ni Gordon negosasyon hindi patayan ang sulosyon ng rebellion sa Mindanao. Pagusapan ang mga problema at hindi pagkakaunawaan. Kaso wala naman daw kuwentang kausap itong mga rebelde. Nakikipag-usap lang daw ang mga iyan kung nasusukol na sila. Ganon pala e di pulbosin na nga lang sila total hindi naman ang pamahalaang Pinas ang gagasta kung hindi ang Amerika? Kaya mga tson inumpisahan nila dapat ay tatapusin naman ninyo. Fight!
Oo fight, di lalong lalala lang ang sitwasyon at dadami ng husto ang sakit ng ulo ni Uncle Sam? Pero di ba may kasabihan ang mga militar, no pain no glory. Aba hindi naman kayo gano kaduwag ano. Ano pa ba ang silbi ng balikatan kung hindi ninyo ito magagamit sa mga kalaban? Magsasawalang kibo na lang ba kayo. Ang lagay parang mga aso na lang ba kayo ng nakabahag ang buntot pagkatapos malagasan ng tropa? Ipakita ninyo na kayo pa rin ang hari, kayo pa rin ang magagaling, at kayo pa rin ang mangingibabaw. Ang tindi kaya ng inyong fire power?
Pero may katuwiran din kayong maghinay-hinay muna. Do not complicate the situation. A few months now will be a presidential election in the Philippines. Gibo Teodoro is a candidate. Cool muna kayo at hintaying manalo ang ating magiting na defense secretary. Ngayon kapag presidente na si Gibo, gawin ninyo ang inyong gusto. Combined Philippine and US troops, upakan na ninyo itong mga rebelde at nang sumaya naman ang bayan.
Sabagay wish ko lang ito. Sino ba namang matino ang papatol sa sinasabi ng isang hamak lamang na Kapitan ng Barangay na tulad ko? Pero kung type naman ninyo talagang gumanti, then go go go. Nasa likud lang ninyo ako nagtatago miles and miles away.
No comments:
Post a Comment